Saturday, February 7, 2015

KASAYSAYAN NG CBBC: DAKILANG PATOTOO SA KAPANGYARIHAN NG DIYOS NA ITAGUYOD ANG KANYANG SIMBAHAN (Pangalawang Bahagi: 1989-1998)


“Ang Diyos ang Siyang nagpapalago at nagtataguyod sa simbahang Kanyang itinatag sa pamamagitan ng Kanyang biyaya at kapangyarihan at sa pakikipagtulungan ng Kanyang mga iniligtas.”  Iyan ang pinaniniwalaan ni Pastor Laurena sa kanyang matapat na paglilingkod sa Diyos habang pinangungunahan ang CBBC.  Inihayag din Niyang sa pagpapagal sa makalangit na gawain, ang pagkakaisa ng mga miyembro ay mahalaga sa espiritwal na pagtatanim at pagdidilig; subalit ang dapat nating alalahanin ay ang katotohanang ang Diyos ang nagpapalago.  Naaayon ito sa sinabi ni Apostol Pablo sa I Corinthians 3:6-7 na “I have planted, Apollos watered; but God gave the increase. So then neither is he that planteth any thing, neither he that watereth; but God that giveth the increase.” 
Simula nang tawagin ng Diyos si Pastor Laurena noong 1977 upang mag-survey sa San Pedro at magbukas ng mission work noong 1978, siya ay patuloy na nagpapatotoong “Kaya ng Diyos!” pagpalain ang Kanyang gawain.   Nasaksihan ng mga mananampalataya ang mabiyayang paglago ng Simbahan mula 1978 nang ito ay isang mission work pa lamang, at maging isang organized Church noong 1979, hanggang makilalang isa sa mga simbahang mabilis lumago dahilan sa pagkilos ng Diyos na naitala sa kasaysayan ng CBBC sa mga taong 1978 hanggang 1988.
Ang taong 1989 ay hudyat na ang CBBC ay nakaranas na ng isang dekadang pagpapala ng Diyos.  Ipinagdiwang ang ika-10 Anibersaryo sa pagganap ng kauna-unahang motorcade upang ipakilala sa madla ang Panginoong Hesus at mapaigting pa ang pag-anyaya sa mga taong dumalo sa pananambahan.  Noong 1990, ang Sabbath School ay sinimulan upang ang “frontliners” na nagtuturo sa Sunday School, ganundin ang ibang may mga tungkulin tuwing Linggo ay makarinig ng Sunday School lesson.  Sa taon ding yaon ay umabot sa 1,000 ang bilang ng mga dumadalo.  Ang bilang din ng mga bisita o first time visitors ay lalong nadagdagan ng dalawa pang beses.  Natapos naman ang extension work sa unang church building.  Isa pang pagpapala ay ang pag-organize sa mission work sa Roxas City bilang isang simbahan.   
Sa taong 1991, ang educational ministries ng Simbahang Christian Bible Baptist Academy at Bible Seminary ay nagkaroon ng kauna-unahang pagdiriwang ng pagtatapos (first commencement exercises).  Ang CBBC rin ay nakapagsuporta sa mga 48 na simbahan at mission sa iba’t-iang bahagi ng bansa.  Bago matapos ang taon, ang weekly average attendance ay domoble pa.  Ang mga taong 1992, 1993 at 1994 ay kinakitaan ng pagtaas ng church attendance.  Nagkaroon ng gawain sa California, USA.  Noong 1993 ay isinagawa ang Unang National Pastors and Wokers’ Conference.  Nabili rin ng Simbahan ang katabing lote.  Ang bagong dagdag na gawain, ang Ministry for the Deaf and Mute, ay nagsimula noong 1994.
Muling dumami ang bilang ng mga naliligtas, nananampalataya at tumatanggap sa Panginoon noong 1995 at 1996.  Sa taong 1995, ang bilang ng first time visitors ay nakalampas na sa 3,000.  Ang Area Soulwinning program na may temang “Always Ready to Evangelize Anybody” ay pinagtibay.  Ito ay sa pagkakaroon ng 13 na iba’t-ibang lugar na sakop ang San Pedro, Binan, Muntinlupa at mga karatig na pook na pinangungunahan ng 13 Area Leaders para sa mas maayos na pagganap ng Dakilang Tagubilin sa pamamagitan ng soulwinning, discipleship, visitation, Bible studies, good news classes, tract distribution at vacation Bible school.  Ganundin, ang 280 sqm na lote ay nabili para sa bagong auditorium.  Noong 1986, ang Loving Hands Ministry Orphanage ay binuksan.  Samantala, ang pangalan ng Bible School na Christian Bible Baptist Seminary ay napalitan ng Baptist Heritage Bible Seminary (BHBS).
Pagsapit ng 1997, sinimulan ang pagpapatayo ng “New Building” na ngayon ay ang Church Auditorium.  Naitala naman ang 23 na bilang ng average weekly baptisms.  Ang BHBS ay naging Baptist Heritage Bible College.  Na-organize ang CBBC-Hinigaran sa Negros Occidental noong Nobyembre 22, 1997.  Sa isang banda, nabili ng Simbahan ang isang apartment para sa orphanage at church staff-house.  Sa taong 1998, naabot ng CBBC ang 1,800 na attendance.  Sa taong yaon, ang kabuoang bilang ng first time visitors ay 7,102 at 1,477 naman ang baptisms.  Nakadagdag sa makabuluhang bunga ng Simbahan ay ang church organization ng mission work sa Sta. Cruz, Laguna noong July 3, 1998.
Sa Diyos ang papuri at pasasalamat sa  pagtataguyod Niya sa Kanyang Simbahang patuloy na pinahahalagahan ng Kanyang mga mananampalataya sa pamamagitan ng kanilang pananalangin, pananambahan, pagbibigay at pakikibahagi sa gawain!      
    

                

KASAYSAYAN NG CBBC: DAKILANG PATOTOO SA KAKAYAHAN NG DIYOS NA MAGPALAGO NG KANYANG GAWAIN (Unang bahagi: 1978-1988)



                  “Ang Diyos ang nagtatag ng Kanyang simbahan, at Kanya itong pinalalago sa pamamagitan ng Kanyang mga anak.”  Iyan ang mariing ipinahayag ni Pastor Ed Laurena habang kanyang ipinaliliwanag ang pinagpalang kasaysayan ng Christian Bible Baptist Church (CBBC) sa San Pedro, Laguna. Tinukoy din niyang ang Panginoong HesuKristo ang Founder at Foundation ng kauna-unahang Baptist church na nagsimula sa Jerusalem.  Ito ay ayon sa Matthew 16:18, “…  Upon this rock I will build my church; and the gates of hell shall not prevail against it.”  Salamat sa Diyos dahil ang naturang Baptist Church na itinayo at pinagtibay ng Panginoong Hesus ang pinanggalingan ng CBBC.
Sa kapangyarihan ng Diyos na magsugo ng Kanyang mangangaral sa kalooban Niyang lugar sa tamang panahon, nahamon, nahimok at nahikayat si Pastor Laurena noong 1977 na sumunod sa panawagan ng Panginoon.  Kasama ang kanyang maybahay na si Ma’am Dhel at ang kanilang sanggol na si Mishael, siya ay nagtungo sa San Pedro, Laguna mula sa Camalig, Albay noong January 5, 1978.  Nagkaroon ng pinakaunang Linggong pananambahan ang Christian Baptist Mission noong ika-22 ng Enero, 1978 at 42 ang dumalo sa Mission House na isang inupahang apartment.  Pagkalipas ng isang taon, sa biyaya ng Diyos, ang Christian Baptist Mission na may attendance na 146 ay na-organize bilang Christian Baptist Church (CBC).  Sa tagumpay na iginawad ng Diyos noong 1980 ay nagdiwang ang Simbahan ng kanyang unang anibersaryo.  Sa taon ding yaon nagsimulang magsuporta ang Simbahan ng mga mission, at naglunsad ng pagbibigay ng first fruits.
Ang lumalagong Simbahan ay dumanas ng matinding pagsubok noong 1981 kaya bumaba ang bilang ng mga dumadalo sa 40.  Gayunpaman, ang habag at lakas ng Diyos ang nagtaguyod sa Kanyang Simbahan kaya ang mga miyembrong matatapat at masisipag ay nagsipagbunga na nagdulot ng mahigit na 150 na attendance.  Dahil sa dumadaming nagtitipon, ang Simbahan ay kinailangang lumipat sa may San Pedro Ice Plant sa National Highway. Samantala, isang mahalagang nangyari sa taong ito ay ang pagsimula ng unang mission sa Los Baños, Laguna.  Noong 1982 naman ay sinimulan ang mini-Bible Institute upang maituro nang lubusan ang Salita ng Diyos at mga doktrina sa mga manggagawa ng Simbahan. 
Sa taong 1983, nakabili ang Simbahan ng 500 sqm na lupa sa St. Francis Homes 2.  Sa tulong ng Diyos at sa sacrificial giving ng mga miyembro, nasimulan ang pagtatayo ng bahay-sambahan. Ang 1984 at 1985 ay panahon ng building construction.  Sa kakayahang ipinagkatiwala ng Diyos sa Kanyang mga anak na manampalataya sa Kanya, natapos ang kauna-unahang church building ng Simbahan noong 1985.  Ito ang tinatawag natin ngayong “Old Building.” Sa taong 1984 na-organize na simbahan ang mission sa Los Baños, kaya ito ang unang “daughter church” ng CBBC.  Noong 1985 din ay naging “Christian Bible Baptist Church” ang “official name” ng Simbahan buhat sa dati nitong pangalang, Christian Baptist Church.  Samantala, ang Christian Bible Baptist Academy o CBBA na gumagamit ng Accelerated Christian Education (ACE) curriculum ay nagbukas at 30 mag-aaral ang nag-umpisang pumasok.

Noong 1986 ay nagkaron ng building extension para sa CBBA.  Kasabay nito ay ang pagsimula ng Christian Bible Baptist Seminary na may 9 na Bible students.  Ang pangalawang mission work ay sinimulan sa Lipa, Batangas, at nagkaroon din ng overseas outreach sa Saudi Arabia.  Sa 1987 hanggang 1988 ay naabot hanggang nalampasan ng CBBC ang 450 na attendance.  Nakabili rin ng lupa at nagkaroon ng panibagong building construction ang Simbahan.  Sa taong 1988 ay na-organize na mga simbahan ang apat na mission works na pinangungunahan ng mga sinugong lingkod ng Diyos: Fort Bonifacio, Taguig, Metro Manila - Pastor Gil Laurena; Lipa, Batangas – Pastor Rusty Ocampo; Cabuyao, Laguna - Pastor Ramon Revilla; at Calamba, Laguna - Pastor Jecel Saguindan.  Tunay ngang ang Simbahang itinatag ng Diyos ay magpapatuloy dahil sa Kanyang kakayahan at para sa Kanyang kaluwalhatian!!!

You Can Be Sure That You’re Going To Heaven!


Whether we think about it or not, all of us will one day face the reality of death. Because death is a certainty, a wise person will prepare for it. In order to do that, we must know five truths that the Bible says so we can be sure of heaven:

I. All Men Are Sinners
Romans 3:23, “For all have sinned, and come short of the glory of God;”
The fact is, all are sinners in the sight of God. Some have sinned more and some have sinned less — but ALL have sinned!

II. Penalty Of Sin Is Death
Romans 6:23a, “For the wages of sin is death…”   
Sin must be paid for — and the Bible declares that the price is death. The Bible teaches that there are two deaths: the physical and the spiritual death.
Revelation 21:8, “…and all liars, shall have their part in the lake which burneth with fire and brimstone: which is the second death.”
Just as physical death is separation of body from soul, spiritual death is eternal separation from God in hell — which the Bible describes as a place of eternal fire, sufferings and torments.

III. Our Sin Debt Has Been Paid
Romans 5:8, “But God commendeth his love toward us, in that, while we were yet sinners, Christ died for us.”
Some 2000 years ago, Jesus Christ came to earth and paid the penalty of our sin at the cross of Calvary.  He paid ALL our sins. Not only our past sins but even our future sins He did pay.  Heb 10:12 says, “But this man…offered one sacrifice for sin forever…”  He paid the sin debt of all mankind and that includes YOU! This is the only way for us not to suffer in Hell. This proves that salvation cannot be attained by man by himself, but only by the grace of God.
Because He paid the penalty of our sin, salvation becomes a free gift for everyone.
Romans 6:23, “…but the gift of God is eternal life through Jesus Christ our Lord.”
Salvation is a gift to be received not a reward to be earned.

IV. Real Salvation Is In Jesus Christ Alone
John 3:16, “For God so loved the world, that he gave his only begotten Son, that whosoever believeth in him should not perish, but have everlasting life.”
Romans 10:13, “For whosoever shall call upon the name of the Lord shall be saved.”

God is willing to forgive you if you will just trust Him as your Personal Saviour. Would you ask God now to save you by sincerely praying from your heart the following prayer?
Dear God, I accept that I am a sinner who deserves to pay the penalty of my sin in hell. But I trust that Jesus Christ was crucified on the cross to pay for my sins, and that He arose again on the third day. And now, I ask Him to come into my heart and be my Lord and Personal Saviour. Thank you for the gift of eternal life. I ask this in Jesus ‘name, Amen.

V. You Are Now Eternally Secured
Romans 8:1, “There is therefore now no condemnation to them which are in Christ Jesus, …”
I John 5:13, “These things have I written unto you that believe on the name of the Son of God; that ye may know that ye have eternal life, and that ye may believe on the name of the Son of God.”
John 10:28, “And I give unto them eternal life; and they shall never perish, neither shall any man pluck them out of my hand.”
John 1:12, “But as many as received him, to them gave he power to become the sons of God, even to them that believe on his name:”
Romans 8:17, “And if children, then heirs; heirs of God, and joint-heirs with Christ; …”

After you accepted Christ in your heart, you became a part of God’s family and an heir of His righteousness. The salvation that you received can never be lost. You are now part of the family of God.